Umani ng suporta mula sa mga lider ng European Union (EU) si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa nagdaang huling araw ng EU summit sa Brussels, Belgium.
Kaugnay ito ng nagpapatuloy na hidwaan ng Ukraine laban sa Russia.
Nagkaisang nanindigan ng suporta sina EU chiefs, European Commission President Ursula von der Leyen at European Council President Antonio Costa, sa paghimok nito sa mga kaalyadong tulungan ang Ukraine at maging sa pagdagdag ng pwersa laban sa Russia.
“This is no time to withdraw support to Ukraine. This is no time to relieve Russia’s sanctions. Now it is time to increase our support, to increase our pressure,” ani Costa.
Dagdag din ni von der Leyn na hindi nito babawiin ang mga sanction na ipinataw sa Russia hanggang sa itigil na nasabing bansa ang nagpapatuloy na digmaan.
Kaugnay ito ng naunang desisyon ng US na pawiin ang mga ipinataw nitong sanctions sa Russian oil exports maging sa shadow fleet nito matapos ang nangyaring phone call sa pagitan ni US President Donald Trump and Russian President Vladimir Putin. n















