-- Advertisements --

Ipinalasap ng Miami Heat ang unang pagkatalo sa Brooklyn Nets ngayong season sa pagharap ng dalawa ngayong araw (OCt. 15), 144-128.

Sa pangunguna ni Greak Freak, Giannis Antetokounmpo, dinumina ng Miami ang kabuuan ng laban, gamit ang halos 60% shooting.

Nagbulsa si Giannis ng 20 points sa loob lamang ng 24 mins. Kumamada rin siya ng 15 rebounds, siyam na assists, isang steal, at tatlong block, upang punuin ang kaniyang stat sheet, sa kabila ng limitadong oras na pananatili sa hardcourt.

Naging malaking tulong din ang batikang forward na si Andrew Wiggins na kumamada ng 19 points, anim na rebounds, at tig-isang steal at block.

Bagaman preseason pa lamang, gumawa ang Miami ng impresibong performance at siyam sa mga players nito ang nakagawa ng double-digit scores. Apat sa kanila ay pawang mga bench player.

Hindi nakabawi ang Nets sa kabila ng 27 points ng batikang Brooklyn forward na si Michael Porter Jr.

Maliban sa 144 points na ipinasok, kumamada rin kasi ang Miami ng 50 rebounds kung saan 36 dito ay pawang mga defensive.