-- Advertisements --

Matapos ang pagkabigo mula sa Wuhan Open singles laban kay home bet Han Shi, tuluyan na ring nagtapos ang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa Wuhan Open sa China matapos mapaluhod silang dalawa ng kaniyang Turkish partner na si Zeynep Sonmez sa doubles match ngayong Martes ng gabi, 2-6, 3-6.

Kalaban ang wildcard pair Anhelina Kalinina at Dayana Yastremska, nilamon ng dalawa ang scoreboard para sa 4-0.

Sinubukan namang bumawi ang Filipino-Turkish tandem sa fifth game para sa 4-1 ngunit nalamangan din ito ng Ukrainian partners, 6-2.

Gayundin ang kapalaran ng mga sumunod na set kung saan tuluyang nagdusa si Eala at Sonmez, 5-2, 3-6.

Sa pagtatapos ng kampanya ng Filipina pride sa Wuhan Open, sunod namang nakatuon ang atensyon ni Eala sa Ningbo Open na magaganap din sa China mula Oktubre 19 hanggang Oktubre 25.