Sampung most wanted persons ang naaresto ng Taguig City Police Station noong Agosto 2026.
Ayon sa pulisya, kabilang sa mga kaso ng mga naaresto ang robbery with homicide, acts of lasciviousness, falsification of public documents, paglabag sa Anti-Carnapping Act, child abuse-related offenses, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Bahagi ang mga pag-aresto sa patuloy na operasyon ng Taguig Police laban sa mga wanted person na may kinakaharap na warrant of arrest.
Ayon kay Taguig City Police Chief Police Colonel Julius Añonuevo, walang wanted person ang makaliligtas sa batas at patuloy nilang tutugisin ang mga ito upang harapin ang kanilang mga kaso sa korte.
Nagbabala rin si Añonuevo na maaaring managot sa batas ang sinumang magbibigay ng tirahan, proteksyon o tulong sa mga wanted person upang makaiwas sa pag-aresto.
Pinasalamatan din ng hepe ang suporta ni Taguig Mayor Lani Cayetano at ng pamahalaang lungsod sa pagpapatibay ng mga operasyon para sa seguridad at kapayapaan sa Taguig.










