-- Advertisements --

Ipinatutupad ng Department of Agriculture (DA) ang malawakang pagtulong sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng pinalakas na habagat at mga nagdaang bagyong Luis, Maymay, and Neneng.

Ayon sa DA Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, naglaan ang ahensya ng mahigit 600 milyong piso para sa mga agricultural input tulad ng mga binhi ng palay, mais, at gulay.

Namahagi rin ang National Food Authority (NFA) ng mahigit siyam na libong sako ng bigas sa mga apektadong lokal na pamahalaan sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, at MIMAROPA.

Bukod dito, naglabas na ang Philippine Crop Insurance Corporation ng higit 35 milyong pisong indemnification para sa limang libong magsasaka at mangingisdang rehistrado sa kanilang programa.

Hinihikayat ng Agricultural Credit Policy Council ang kanilang Survival and Recovery Loan Program na may hanggang 25 libong pisong pautang na walang interes at babayaran sa loob ng tatlong taon.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga regional field office ng DA sa mga lokal na pamahalaan at disaster council upang masiguro ang mabilis na pag-abot ng tulong sa mga apektadong sektor.