Kanye
Kanye West/ IG post

Maantala muna ang paglabas ng ika-siyam na solo album ni Kanye West na may pamagat na “Jesus Is King”.

Ang nasabing pag-antala ng pagpapalabas ng “Jesus Is King” album ay desisyon ng mga mataas na opisyal ng recording company na humahawak sa rapper.

Walang anumang dahilan na ibinigay ang record company at ang rapper sa pag-antala ng pagpapalabas ng kaniyang album.

Hindi lamang ito ang unang beses na naantala ang pagpapalabas ng album ng rapper dahil noong nakaraang taon ay hindi nailabas agad ang “Yandhi” album kung saan ilang beses pa itong naantala.

Magugunitang inanunsiyo ni Kanye sa kaniyang website ang paglabas ng bago nitong album.