Sa Miyerkules pa o sa loob ng linggong ito magdedesisyon ang Supreme Court (SC) kung dapat ba o hindi dapat ituloy ang 2022 online and regionalized Bar examinations.
Sa November 2 pa kasi malalaman din kung merong ihahain na mga pleadings at requests sa Office of the Bar Confidant (OBC).
Kung meron man aniyang mga kahilingan o pakiusap ay dedesisyunan naman kaagad ito ng mga mahistyrado lalo na at ang four-day Bar exams ay opisyal ng magsisimula sa 9.
Una rito, umaabot sa 9,916 law graduates ang inaasahang kukuha ng 2022 online at regionalized Bar examinations na ibibigay ng Supreme Court (SC) sa 14 na local testing centers (LTCs) nationwide mula Nov. 9, 13, 16 at Nov. 20.
Kinumpirma ni Atty Brian Keith Hosaka, chief ng SC public information office (PIO), na nasa 10,075 law graduates ang orihinal na nag-apply pero nasa 159 ang nag-withdraw ng kanilang mga aplikasyon sa hindi malamang mga kadahilanan.
Una rito, inilabas ng Supreme court ang mga listahan ng local testing centers.