-- Advertisements --

Halos 92 percent ng mga total examinees ang nakadalo sa ikalawang araw ng Bar examinations para sa 2022 Bar examination na isinagawa ngayong araw.

Ayon sa SC Public Information Office, nasa 9,196 sa 10,006 registered examinees ang present sa afternoon session ng bar exam at mayroon itong attendance rate na 91.90 percent.

Ito ay mas mababa na sa 9,198 o 91.92 percent na naitala kaninang umaga at ang 9,207 candidates o 92.01 percent turnout sa unang araw noong Wednesday, November 9.

Nasa kabuuang 810 absent examinees sa afternoon session.

Pinakamalaking bilang ng mga hindi na dumalo sa naturang prestihiyosong pagsusulit ay naitala sa Ateneo de Manila University testing center na mayroong 302 absentees.

Sinundan ito ng University of Cebu-Banilad na mayroong 81, Ateneo de Davao University na may 74, Saint Louis University mayroong 54, University of the Philippines-Bonifacio Global City na mayroong 44 at University of San Carlos na mayroong 38.

Naitala rin ang absentees sa De La Salle Lipa testing center na mayroong 33, De La Salle University at Dr. V. Orestes Romualdez Education Foundation na mayroong tig-32 absentees, University of Nueva Caceres mayroong 26, Xavier University-Ateneo de Cagayan na mayroong 24 at Manila Adventist College na may 19.

Kung maalala, sakop ng examination ngayong araw ang Criminal at Commercial Law.

Susundan ito ng Civil Law sa November 16 at Remedial Law at Legal ethics sa November 20.