Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang inihaing motion for reconsideration ng Quezon City councilor at aktor na si Roderick Paulate kaugnay sa ipinataw na 90 day suspension laban sa kanya.

Sa gitna ito ng kinakaharap na graft and falsification cases ni Paulate dahil umano sa pag-hire ng nasa 30 ghost employees.

Sa resolusyon na may petsang March 29, isinaad ng Seventh Division na kulang sa merito ang inihihirit na mosyon ng 59-year-old celebrity politician.

Una nang iginiit ni Paulate na ang pagsuspinde sa kanya ay dapat isinagawa bago pa man ang kanyang arraignment o pagbasa ng sakdal.

Nabatid na kumakandidato bilang vice mayor sa 2019 elections si Paulate.

Kabilang sa kanyang hit movies ang “Kung Fu Divas,” “Pa-Siyam,” “Bala at Lipstick,” “Petrang Kabayo” at iba pa.