Nasa siyam katao ang patay matapos tamaan ng magnitude 5.7 na lindol ang Turkey.

-- Advertisement --

Ayon sa U.S. Geological Survey, ang epicenter ng lindol ay sa Iranian border nila na Habash-e Olya na may lalim ng 6 kilometers.

Aabot rin sa 57 katao ang nasugatan matapos ang pagkasira ng mga kabahayan.

Sinabi naman ni Turkish Interior Minister Suleyman Soylu, na aabot sa 1,066 na gusali ang nasira dahil sa pagyanig.