KORONADAL CITY – Halos 10 sanggol ang isinilang sa South Cotabato Provincial Hospital kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa pamunuan ng ospital, lima ang mga New Year babies na lalaki habang apat ang babaeng sanggol na isinilang ngayong araw.

Kaugnay nito, labis na ikinatuwa ng mga staff ng ospital ang ganitong pangyayari na itinuturing nilang suwerte lalo’t pa pawang healthy ang mga newborn baby.

Gayunman kung may saya, may malungkot na balita naman hinggil sa naitalang isang nasugatan matapos na masabugan ng paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato Provicial Disaster Risk Reduction ad Management Office Operations and Warning Chief Rolly Doane Aquino, isang 19-anyos na babae na nagngangalang Dimples Martisano ang biktima.

Residente ito ng Koronadal City na nasabugan ng paputok sa mismong mukha nito.

Ayon kay Aquino, maliban sa firecracker related accidents, nasa anim na aksidente sa daan naman ang naitala sa probinsya kasabay ng selebrasyon ng Bagong Taon.