My Post
IMAGE | (Clockwise, L-R) Scientists: Lucille Abad, Philip Alviola, Nathaniel Hermosa II, Mario Antonio Jiz II, Lanndon Ocampo, Jeffrey Perez, Rogel Mari Sese and Aletta Conception Yñiguez

Kinilala ng mga mambabatas sa Senado ang ilang Pilipinong doktor at scientists dahil sa natatanging ambag ng mga ito sa kanilang propesyon, gayundin sa karalangan na binigay ng mga ito sa bansa.

Screenshot 2019 06 03 10 06 32
IMAGE | Dr. Gay Jane Perez

Sa ilalim ng Senate Resolution 882 at 923 na, binigyang pugay ng mataas na kapulungan ng Kongreso nitong May 22 si Dr. Gay Jane Perez dahil sa pagkakasungkit nito sa first place ng 2018 Asian-US Science Prize for Women.

Sumentro sa satellite date na makapagbibigay ng forecast sa tagtuyot ang research na ginawa ni Perez.

Bukod kay Perez, kinilala rin ng Senado ang walong scientists na napabilang sa listahan ng Asian Scientist 100.

“To be recognized as an honoree of AS100, one must have received a national or international prize in 2017 for scientific research or leadership,” ani Senate Committee on Science and Technology chairman, outgoing Sen. Bam Aquino.

Kabilang sa mga ito sina Lucille Abad, na nag-imbento ng irradiated carrageenan bilang food supplement sa mga halaman; Philip Alviola, dahil sa kanyang pagsasaliksik tungkol sa wildlife; Nathaniel Hermosa II, para naman sa research nito tungkol sa ilaw at light-matter reaction; at Mario Antonio Jiz II, na nag-aral sa sakit na sanhi ng plastic flatworm kasabay ng pagbuo sa bakuna para dito.

Si Lanndon Ocampo naman ay kinilala dahil sa kanyang ambag sa manufacturing sustainability; Jeffrey Perez na nag-aral sa lindol at fault lines; Rogel Mari Sese na nagsulong ng adbokasiya sa space-research gayundin na nag-aral sa astrophysics; at Aletta Yñiguez na nagsaliksin naman sa marine biology at fisheries.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here