ROXAS CITY – Patay ang siyam na taong gulang na bata matapos makuryente habang nangunguha ng isda gamit ang kuryente sa sapa ang tiyuhin sa Sitio Esperanza, Barangay Binuntucan, Pontevedra, Capiz.

Ayon kay Barangay Kagawad Maribel Bengaura, nangunguryente ng isda sa sapa ang tiyuhin ni certain Albert ng hindi inaasahan na sumunod ito.

Nagtaka lamang ang tiyuhin ng biktima ng biglang mawala ang suplay ng kuryente kaya bumalik ito sa bahay.

Ikinagulat nito ng makitang nakadapa sa sahig ang pamangkin at hindi na gumagalaw.

Kaya kaagad nilang dinala sa ospital ang biktima ngunit dineklarang dead on arrival ng doktor.

-- Advertisement --