-- Advertisements --

Aabot na sa 83 ang bilang ng mga lisensyadong laboratoryo sa bansa na hahawak ng testing para sa COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, 62 sa mga ito ang gumagamit ng RT-PCR machines at 21 naman ang gumagamit ng GeneXpert machines para sa testing.

Kabilang sa mga bagong nilisensyahan na laboratoryo ay ang: QualiMed Health Delivery System, San Jose Del Monte; Parkway Diagnostics; at Philippine Airport Diagnostics.

“As of July 9, nakapag-conduct na tayo ng total of 889,066 tests. Ang average number of tests na ginagawa natin sa nakalipas na 7-araw ay 19,459 tests.”

“Bukod dito, noong July 7 nakapag-record tayo ng highest test conducted in a single day kung saan nakapagsagawa tayo ng 23,104 tests in a day.”

Noong Hunyo nang aminin ni Usec. Vergeire na aabot na sa higit 50,000 tests kada araw ang rated capacity ng noo’y higit 60 testing laboratory.

Pero umaabot lamang sa higit 12,000 tests kada ang nagagawa ng nasabing mga pasilidad dahil sa ilang operational issues.