Panibagong 81 mga Filipino overseas workers ang nakarekober sa COVID-19.

Iniulat ng DFA na ang naturang bilang ay nagmula sa Middle East.

Sa ngayon nasa 5,653 na ang kabuuang mga nakarekober.

Gayunman sa kabila nito, kinupirma ng Foreign Service Posts (FSP) may panibago na namang 28 bagong kaso ng mga OFW na nagmula sa tatlong mga bansa sa Asia at Pacific, Europa at sa Middle East ang nahawa sa deadly virus.

Nasa walo sa mga ito ay naberipika na rin ng DOH,

“As the DFA personnel in our FSPs continue to actively monitor the status of the Filipino community abroad and work to safely repatriate more of our stranded nationals home, we look forward to seeking more and more recoveries similar with today‚Äôs report in the coming days,” ani DFA sa statement.

DFA TALLY