“Alive and kicking” pa rin si Sir Richard Starkey MBE (Most Excellent Order of the British Empire (MBE) o mas kilala bilang si Ringo Starr sa kanyang 80th birthday.
Kasabay nito ay pinili ni Ringo na ipagdiwang ang kanyang 80th birthday sa pamamagitan ng isang benefit show na pinamagatang Ringo Starr’s Big Birthday Show.

Ito ay star-studded kung saan nag-showdown online ang mga tanyag ding singers gaya nia Paul McCartney, Sheryl Crow, at iba pa.

Layunin ng dating drummer ng English rock band na Beatles ay makatulong sa
Black Lives Matter movement, gayundin sa mga frontliner na lumalaban sa coronavirus pandemic, at iba pang charitable projects.

Tumagal ng mahigit isang oras ang naturang concert for a cause ni Ringo.

Noong nakaraang buwan lang nang magdiwang din ng kanyang 80th birthday ang music legend din na si Sir Tom Jones.