-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista na 80 percent ng target beneficiaries ay makukuha na ang ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa katapusan ng Hulyo.

Sinabi ni Sec. Bautista, ang natitirang 20 percent ay isasailalim sa cross checking para matiyak na sila ay kuwalipikado.

Ayon kay Sec. Bautista, hawak na ngayon ng DSWD ang pera pero natatagalan lamang sila sa pag-double check ng mga benepisaryo.

Inihayag ni Sec. Bautista na may benepisaryo na doble ang tinaggap na cash assistance at dapat bawiin ito ng local government unit (LGU).