Reading Time: 1 minute

Iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag sa walong sundalong nasawi sa pakipagbakbakan sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan at Sulu.

Tinanggap ng pamilya nina TSgt. Alberto P. Garde, SSgt. Jayson C. Sawit, SSgt. Aldam S. Baginda, SSgt. Kasir J. Riban, Cpl. Nelson Vidal, at Private First Class Jake A. Ameglio ang nasabing parangal.

Ang mga nabanggit na sundalo ay binawian ng buhay noong Nobyembre 8, 2017 sa Sumisip, Basilan.

Samantala, pinarangalan din sina sina Pfc. Emie Pumicpic at Pfc. Benhar Ahajul na namatay naman sa pakikipaglaban sa teroristang ASG sa Sulu noong Agosto 7, 2016.

Nangako si Pangulong Duterte na susuportahan ng gobyerno ang pamilya ng mga nasawing sundalo maging ang educational needs ng kanilang naulilang mga anak.

Ang Order of Lapu-Lapu ay iginagawad sa sinumang nagpamalas ng hindi matatawarang serbisyo sa pagsusulong ng adbokasya ng pangulo.