Reading Time: 1 minute
babatngon
leyte truck babatngon

TACLOBAN CITY – Walong katao ang kumpirmadong patay sa nangyaring banggaan ng isang pampasaherong van at 6-wheeler truck sa national highway ng Sitio Tab-ang, Brgy. District III, Babatngon, Leyte.

Ayon kay Lt. Melvin Ay-ay, hepe ng Babatngon MPS, biyahe papuntang Tacloban City ang naturang utility van na minamaneho ng isang Rodel Ecat na may 18 pasahero nang makabanggaan nito ang nasabing truck na may lulang mga baboy.

Nagresulta naman ito ng 11 pasaherong sugatan at ang walong pasaherong dead on the spot.

Nagtamo rin ng injuries ang driver ng truck na si Wenwen De Leon at ang isang rider at helper nito.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.

250px Ph locator leyte babatngon