Mayroon pang walong katao ang patuloy na hinahanap ng mga rescuers matapos na maipit sa sumabog na White Island Volcano sa New Zealand.

Base sa mga otoridad, nasa apat na ang nailigtas habang 31 ang itinakbo sa pagamutan.

Kabilang sa mga ginagamot ay mga United Kingdom na turista sa lugar.

Sinabi ni Australian Prime Minister Scott Morrison na lulan ng cruise ship ang 24 na Australian ng sumabog ang bulkan.

Binubuo ng US, Chinese, Malaysian at New Zealand ang mga nawawala.

Magugunitang umabot sa limang katao ang patay ng sumabog ang nabanggit na bulkan.