Reading Time: 1 minute

Patuloy na hinahanap ng pulisya ang walong bilanggo ng Lamitan City Jail na nagawang makatakas kaninang umaga.

Ayon sa mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility, dakong alas-10:00 nang pumuga ang walong bilanggo.

Kaugnay nito, sinali ng ilang sources mula sa pasilidad na nagtutulungan na ang BJMP at mga police personnel sa agarang pagkakadakip ng mga nakatakas na bilanggo.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon sa kung paano nakatakas ang mga ito.