Nasa walong mag-aaral ang patay matapos ang pagbagsak gusali sa Lagos City, Nigeria.

Nakalagay kasi ang paaralan sa ikatlong palapag ng natumbang gusali sa Ita Faji sa Lagos island.

Maraming mga mag-aral naman ang nasugatan sa nasabing insidente.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng insidente.