Gov Ramil Hernandez
Photo © Gov. Ramil Hernandez FB Page

Isinailalim na sa total lockdown ang buong probinsiya ng Laguna matapos umakyat sa 17 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang probinsiya.

Base sa Facebook post ni Laguna Governor Ramil Hernandez, kabilang sa mga may kaso ng COVID-19 ang Santa Rosa na may pitong kaso, Biñan (3); Calamba, (2); San Pedro, (2); Cabuyao, (1); Los Baños, (1); Lumban (1).

Una rito, walong bayan ang ini-lockdown dahil sa COVID-19 ang Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Mabitac at Santa Maria dahil sa COVID-19 threat simula noong Marso 26.

Mayroong kabuuang 24 na bayan ang probinsiya ng Laguna.

Marso 21 nang kumpirmahin ng municipal government ng Los Baños na namatay ang unang kaso ng COVID-19 case sa kanilang lugar.

Sinabi ni Hernandez na aabot na sa 687 ang persons under investigation (PUIs) sa Laguna habang 8,859 naman ang persons under monitoring (PUMs).

Aabot naman sa 1,277 ang cleared sa naturang kaso.