japan knife attack

Hindi pa rin malinaw sa mga otoridad ang dahilan sa likod ng pananaksak na ginanap sa isang park sa Kawasaki City, Japan.

Labing-anim na katao, kasama ang walong menor de edad, ang sugatan sa malagim na pangyayari.

Kaagad namang naaresto ng mga otoridad ang suspek na responsable sa insidente ngunit sinaksak muna nito ang sarili niyang balikat bago tuluyang ikulong,

Ayon sa mga otoridad, narekober nila mula sa suspek ang dalawang kutsilyo.

Base sa impormasyon na ibinahagi ng Kawasaki Fire Department, nakatanggap umano sila ng emergency call bandang 07:44 ng umaga ngayong araw.

Dagdag pa ng mga ito, nagsimulang atakihin ng suspek ang mga biktima na malapit sa bus stop, ilang metro lamang ang layo mula sa local train station.

May layo na 13 miles o 21 kilometro ang Kawasaki sa Tokyo.