COVID patients people hospital crowd Modular DPWH
-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 7,772 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Nagkaroon din ng 1,634 na gumaling at 156 naman ang pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (85,048) ang aktibong kaso, 95.4% (2,587,881) na ang gumaling, at 1.50% (40,580) ang namatay.

Ayon sa DoH report, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 14, 2021, habang mayroong isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base rito, sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng naturang laboratoryo ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

-- Advertisement --

Samantala, 55 ang naitalang duplicates na inalis na sa listahan ng total case count.

Lumalabas kasing 41 sa mga ito ay naitala na rin sa listahan ng recoveries.

Bukod dito, 81 cases naman ang dating naisama sa recoveries, ngunit na-reclassify bilang fatalities, matapos ang final validation.