-- Advertisements --
image 274

Nakapagtala ang Pilipinas ng 726 na bagong dinapuan ng COVID-19 nitong araw ng linggo.

Ito na ang pinakamataas na kasong naitala sa loob lamang ng isang araw mula sa nakalipas na anim na araw.

Bagamat ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng covid-19 sa bansa ay bumaba sa 8,861 mula sa 9,005 noong araw ng Sabado.

Ito naman ang ika-10 magkakasunod na araw na bumaba ang bilang ng aktibong kaso at ito rin ang pinakamababa sa nakalipas na 45 araw mula noong naitala ang 8,371 active cases noong Mayo 4.

Ang National Capital Region (NCR) ang patuloy na nakakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo na nasa 2,527, sinundan ito ng Calabarzon na nakapagtala ng 1,753, Central Luzon na may 1,607 cases, Western Visayas may 1,025, at Cagayan Valley na may 735 cases.

Pagdating naman sa mga probinsiya at siyudad, mayroong 614 cases sa Quezon City, sinundan ng Iloilo na may 611, Cavite na may 581cases, Bulacan (449) at Laguna (404)

Nadagdagan din ang bilang ng gumaling mula sa sakit na nasa 870 kayat nasa kabuuang 4,083,967 na ang nakarekober mula sa mga nagpositibo sa virus.

Nananatili naman sa 66,482 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.