Inanunsiyo ngayon ng NBA ang unang 72-game schedule mula December 22 hanggang March 4, 2021.

Batay sa iskedyul ang bawat teams ay maglalaro ng 37 hanggang 38 games sa first half ng season.

Meron ding tig-dalawang road games ang mga koponan.

NBA sked

Kabilang din sa schedule ang muling pagsasagawa nang tinatawag na play-in tournament para sa mga teams na umabot sa ikapito at ika-10 puwesto sa bawat conference. Ito ay gagawin sa buwan ng Mayo.

Kasama naman sa tampok sa game schedules ay ang matchup ng Brooklyn Nets ni Kevin Durant laban sa dati niyang team na Warriors sa opening day, December 22.

Maghaharap din ang defending champion Lakers kontra sa Clippers.

Sa December 23, kaabang abang din ang harapan ng Celtics at Milwaukee Bucks, gayundin ang Mavs at Phoenix Suns.

Nakakaintriga rin ang banggaan ng Lakers at Bucks sa January 21 at ang bakbakan na mistulang Finals rematch ng Lakers at Miami na magaganap naman sa February 20.