Pumalo na sa 674 na mga pulis ang kinasuhan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa karapatang pantao o human rights violation kung saan 19 dito ang sinibak na sa serbisyo.

Habang ang iba ay pinatawan ng parusa gaya ng 1 rank demotion habang ang iba ay sinuspinde.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang nasabing datos ay mula noong July 2016 hanggang May 2018.

Giit ni PNP chief patunay ito na hindi kino-condone ng PNP ang ginagawang paglabag sa karapatang pantao ng ilan nilang mga kabaro.

Aniya, ang may pinakamataas na ranggo na sinampahan ng human rights violation ay dalawang police superintendents, 31 police chief inspectors, 238 ay mga PO1s.

Sinabi ni Albayalde, sa 674 na mga PNP respondents na nahaharap sa human rights cases, nasa 279 dito ay mula PRO-4A, 90 ang NCRPO, umaabot sa 39 mula sa NHQ at 37 sa PRO-8.

Kabilang sa mga human rights cases na kinakaharap ng mga akusadong pulis ay nagmula sa homicide, illegal arrest with grave threats, violation of POP, violation of Anti-Torture Act, maltreatment at abuse of detained person.