OFW OFWS NAIA DFA ARRIVAL COVID

Muling bumuhos ang pagdating sa Pilipinas ng mga OFWs na na-displace sa ibang bansa bunsod ng pandemic.

Panibagong 323 stranded nationals ang dumating sa NAIA batay sa programa ng DFA na Assistance to Nationals.

Ito na ang ikatlong chartered flight mula sa bansang Qatar.

Samantala nasa 340 overseas Filipinos ang winelcome rin ng DFA sa paliparan matapos lumapag ang PAL commercial flight mula naman sa United Arab Emirates.

Isa ring special commercial flight na sakay naman ang 96 na mga Filipino mula sa Bahrain ang nag-touch down din sa NAIA.

Agad namang isinailalim ang mga ito sa COVID swab kung saan aantayin ang resulta ng ilang araw bago naman payagang makabalik sa kani-kanilang mga probinsiya.