NAVOTAS FIRE FEPAG
Navotas fire at Market 3 in Brgy. NBBN (Twitter photo FEPAG EMS @FEPAGEMS)

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na isang lalaki ang nasawi habang dalawa naman ang sugatan sa sunog na naganap sa Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN), Navotas City kaninang madaling araw.

Sinasabing umabot din sa 200 kabahayan naabo kung saan dakong alas-6:11 na ng umaga idineklarang fire out ang sunog.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa karamihan sa mga tahanan ay gawa sa light materials.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng naturang malaking sunog sa lugar.