BAGUIO CITY – Pinarangalan ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ang pitong PNP personnel sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Iginawad kay PLTCOL Mario Mayames Jr. ang Medalya ng Kagalingan dahil sa ipinakita nitong kabayanihan sa Marawi siege 2017 kung saan nagsilbi itong commanding officer ng mga SAF troopers.

Natanggap naman nina PLTCOL Antonio De Jesus, PMAJ Ardie Bagaman at PCMS Anna Liza Cortez ang Medalya ng Kasanayan dahil sa pagbuo nila ng epektibong processing system na nagresulta sa mabilis na imbentaryo sa mga benepisyo, sahod at allowances ng mga PROCOR personnel.

Nakatanggap din si PCPL Fredserick Diong-an mula sa Regional Police Strategy Management Unit ng Medalya ng Kasanayan dahil sa matagumpay na pagkakapasa nito sa 2018 Bar Examinations.

Iginawad din kina PCPT Carla Domoyeg at kay PMaj Florante Quiban ang Medalya ng Papuri.

Hinikayat ng PROCOR ang lahat ng pulis na magpakita ng kaparehong kabaniyan, kaalaman at kagalingan.