Pitong katao ang nasawi nang magbanggaan ang isang closed van at kotse kagabi sa may bayan ng Sto. Tomas sa Batangas.

Batay sa report ng Sto Tomas PNP na bukod sa pitong indibidwal na nasawi sa vehicular accident may isa pang sakay ang malubhang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa isa sa mga hospital sa Batangas.

Bandang alas-9:45 kagabi ng magbanggaan ang dalawang sasakyan sa may Barangay San Roque.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na ang nasabing truck van ay patungong Tanuan, Batangas habang ang kotse ay patungong Calamba.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ngayon ng Batangas PNP kaugnay sa aksidente.