Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa naganap na plane crash sa Canada.

Naitalang pito ang namatay sa naturang insidente.

Ayon kay Kingston Police Const. Ash Gutheinz wala raw itong nakita na indikasyong may nakaligtas sa mga pasahero.

Sa inilabas na impormasyon naman ng Transportation Safety of Canada, lulan ng eroplano ang apat na matanda at tatlong bata.

Nakatakda sanang tumungo ng Kingston airport ang eroplano mula sa Markham, Ontario.

Dagdag pa ni Gutheinz, naglabas ng wind advisory ang lokal na pamahalaan bago pa man maganap ang insidente.