Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring gas explosion sa isang apartment building sa eastern Slovakia.

Ayon sa mga bumbero, isa pang katao ang patuloy na hinahanap sa ngayon kasunod ng naturang pagsabog.

Nangyari ang pagsabog sa malapit sa tuktok ng 12-storey building noong Biyernes.

Nasunod ang kalahati ng naturang building at nasira naman ang top three floors nito, ayon sa mga bumbero.

Sinabi ng mga rescuers na humigit kumulang 40 katao ang sugatan sa insidente.

Mahigit 100 bumbero naman ang rumisponde sa sunog, na tuluyan lang naapula noong Sabado ng umaga. (AP)