Sinibak ng Centro Escolar University (CEU) basketball team ang pitong manlalaro nila matapos ang pag-amin na sangkot sila sa game-fixing.

Sinabi ng kanilang coach na si Derrick Pumaren, may malakas silang ebidensiya kaya nagdesisyon na sila na sila ay tanggalin sa koponan.

Hawak ng mga school officials ang pangalan ng mga manlalaro subalit hindi na nila ito inilabas.

Hindi naman idinetalye ni Pumaren kung paano naganap ang nasabing game-fixing.

Dahil dito ay pitong manlalaro na lamang ng CEU ang nakapaglaro para talunin ang Go for Gold-CSB sa score na 84-74 sa 2019 PBA D-League.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here