Reading Time: 1 minute

NAGA CITY- Pitong bloke ng pinaniniwalaang cocaine ang muling natagpuan sa baybaying sakop ng Mauban, Quezon ngayong hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Elizabeth Capistrano, tagapagsalita ng Quezon Police Provincial Office, sinabi nitong isang nagngangalang “Mr. Perez” ang umano’y nakapulot ng pitong package sa baybaying sakop ng naturang lugar.

Ayon kay Capistrano, sa ngayon nakatakdang iturn over sa Provincial Crime Laboratory ang naturang mga package para makumpirma kung positibo nga ito sa cocaine.

Aniya, sakaling magpositibo ito sa cocaine, tinatayang aabot sa P35-M ang halaga nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang panibago na namang package na nadiskobre sa naturang lalawigan.