-- Advertisements --

Isinusulong ni Sen. Bong Go ang pitong panukalang batas para sa pag-upgrade ng mga hospital care and services sa iba’t ibang health facilities sa bansa at pawang pasado na sa third reading ng Senado.

Sinabi ni Sen. Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health, mas lalong kailangan ang mga nasabing upgrade ng mga pagamutan sa gitna ng paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga inisponsoran ni Sen. Go ang House Bill 2444 para sa pagtatayo ng Bicol Women’s and Children’s Hospital sa Pamplona, Camarines Sur; at HB 6218 para mapalawak ang serbisyo ng Malita District Hospital at mapapalitan ang pangalan nito sa Malita Women’s and Children’s Wellness Center sa Malita, Davao Occidental.

Ang limang iba pang panukalang batas ay layunin namang madagdagan ang bed capacity, mapalawak ang healthcare services at madagdagan ang medical personnel ang ilang pagamutan sa bansa.

“I would like to express my gratitude to this august chamber for supporting these measures that will improve and further capacitate some of our government hospitals,” ani Sen. Go.