Bangkay na natagpuan sa Tuba
Bangkay na natagpuan sa Tuba

BAGUIO CITY – Binibilisan na ng Tuba Municipal Police Station (MPS) ang imbestigasyon para matuklasan ang pagkakakilanlan ng 7 na bangkay na sabay-sabay na natagpuan sa isang bangin sa Marcos Highway, Tuba, Benguet.

Ayon kay Police Major James Acod, hepe ng Tuba MPS, inireport ng mga concerned citizens sa pulisya ang tungkol sa mabahong amoy na nanggagaling sa bangin kayat sa kanilang pagresponde ng mga pulis ay natagpuan ang pitong bangkay.

Inilarawan niya na naging skeleton na ang isa sa mga ito habang ay iba ay naaagnas na.

Naniniwala ang pulisya na ang naging skeleton ay isang buwan na mula nang naitapon ito habang ang iba ay nasa mga dalawang linggo na mula nang naitapon.

Ayon pa kay Acod, magkakaibang araw ang pagtapon sa mga bangkay at naniniwala ito na hindi magkakakilala ang mga bangkay o hindi sila mula sa iisang grupo.

Habang isinasagawa ang retrieval operations ay may ilang indibidwal na nawawalan ng ka-pamilya ang nag-abang dahil nagbabasakali ang mga ito na ang kanilang hinihanap na kapamilya ay ang mga natagpuang bangkay.