Arestado ang pitong katao sa isinagawang anti-drug operations ng PNP sa Tondo, Maynila.

Nakuha sa mga ito ang 15 sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P54,000.

Sinabi ni Capt. Val Valencia ng Manila Police District (MPD) Station 7, matapos na makabili ang kanilang pulis na nagpanggap na buyer ay agad nilang inaresto ang target na operasyon na si alyas Odin.

Naaresto RIN sa lugar ang anim na iba pa na hinihinalang mga parokyano ng suspek.