NAGA CITY – Kaagad na namatay ang isang batang lalaki matapos na mahulog sa creek habang nakikipaglaro sa Lungsod ng Naga.

-- Advertisement --

Kinilala ang biktima na si John Kevin Cuerdo, pitong taong gulang na residente ng Sitio San Rafael, Barangay Cararayan, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Major Joey Corre, hepe ng Philippine National Police Station 4 ng Naga City Police Office, sinabi nito na nagpaalam ang bata sa kanyang magulang na maglalaro.

Posible umanong inalok ito ng mga kalaro na pumunta sa creek na apat na metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Habang naglalaro kasama ang kanyang mga kaibigan ay aksidente umano itong nahulog sa creek at nalunod.

Sinubukan pa raw i-revive ang bata ngunit binawian din ng buhay.

Muli naman na nagpaalala ang mga otoridad sa mga magulang na maging mahigpit sa pagbabantay sa kanilang mga anak upang maiwasan ang ganitong mga trahedya.