-- Advertisements --

Nakatakdang ma-deactivate ang nasa 670,000 rehistradong mga botanteng Pinoy sa ibang bansa dahil sa hindi pagboto sa dalawang electoral exercises ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Base sa data na inilabas ng Office for Overseas Voting (OFOV) ng poll body, nasa kabuuang 669,527 registered voters ang nakatakdang ma-deactivate dahil sa hindi paboto noong 2019 at 2022 elections.

Naitala ang pinakamaraming bilang ng mga Pinoy na aabot sa 377,139 ang madedeactivate mula sa Middle East at Africa regions, sumunod dito ang nasa 129,535 registered voters sa Asia at Pacific region.

Mayroon ding 120,705 voters mula sa North at Latin America region at 42,148 voters sa Europe ang nakatakdang madeactivate.

Samantala, sinabi naman ng Comelec na ang sinuman na may pagtutol na kabilang sa listahan ng madedeactivate ay maaaring maghain ng kanilang pagtutol, sumulat lamang sa Resident Election Registration Board (RERB) ng Office for Overseas Voting (OFOV)

Top