Cebu City- Pinangunahan ni Senator Bong Go ang launching ng 66th Malasakit Center sa Eversely Child’s Sanitarium at General Hospital ng Brgy. Jagobiao Mandaue City Cebu.

Ito na ang ikalawang official nationwide launching matapos unang inilunsad ang ika-65 na malasakit Center noong Pebrero,2018.

Ayon naman sa isang mga residente ng Mandaue City na malaking tulong sa kanya ang Malasakit center dahil dito umano siya nangangak at ni piso wala siyang binayaran.

Malaking tulong din umano ito para sa mga taga Mandaue para hindi na pupunta pa ng Cebu City para magpagamot dahil may malasakit center na sa kanilang lungsod.

Dumalo sa launching si Cebu Gov. Garcia at DOH-7 Regional Director Jaime Bernadas kung saan binigyan pa ng senador ang DOH ng P5-M para sa mga equipments ng nasabing center.

Bago ang launching, binisita naman ng senador ang mga fire victims ng Barangay Luz, Duljo at Kasambagan ng Cebu City upang magbigay ng 2,000 pesos cash assistance sa tinatayang 500 families.