-- Advertisements --

Binabantayan sa ngayon ng mahigpit ng Bureau of Quarantine ang 64 biyahero sa harap ng banta ng Omicron COVID-19 variant, ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, ang mga biyaherong ito ay galing sa South Africa, na pasok sa “Red List” countries ng pamahalaan sa kasalukuyan.

Pero nililinaw niya na wala pang naitatalang kumpirmadong Omicron COVID-19 variant sa Pilipinas.

Gayunman, patuloy pa rin ang pagba-backtrace na ginagawa aniya ng pamahalaan para sa mga indibidwal na galing o dumaan sa “Red List” countries.

Binabantayan rin aniya nila sa ngayon ang growth at incidence rates ng mga ito.

Kahapon, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na kanilang ipapatupad ang latest directive mula sa IATF para sa 14 na bansa at teritoryo na pasok sa “Red List”.