CEBU CITY – Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lolo matapos umanong nanghalay sa kanyang 12-anyos na apo sa Toledo City, Cebu.

-- Advertisement --

Kinilala ang suspek na si Felipe Cano, 64, at residente mula sa Brgy. Gen. Climaco nang nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo mula sa Police Regional Office (PRO-7), naaresto ang lolo sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong three counts of rape.

Itinuturing isa umanong most wanted sa lalawigan ng Cebu si Cano at ika-walong most wanted din ito sa Central Visayas.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa menor de edad na biktima dahil sa dinaranas nitong trauma.