PhilHealth 2
-- Advertisements --

Babayaran ng PhilHealth sa susunod na linggo ang malaking bahagi ng in-process claims ng mga ospital.

Ipinangako ito mismo ni PhilHealth president at CEO Dante Geirran sa harap ng mga kongresista sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong araw.

Ayon kay Geirran, plano nilang bayaran ang 60 percent ng mga in-process claims ng mga ospital sa PhilHealth.

Gagamitin aniya nila ang kanilang debit-credit method para mabayaran ang P21.1 billion na utang nila sa mga ospital hanggang noong Agosto 24, 2021.

Sa naturang halaga, napag-alaman na P10.6 billion dito ay utang ng PhilHealth sa mga probadong ospital.

-- Advertisement --