Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Anim katao ang naisugod sa pagamutan sa nangyaring vehicular crash sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Mojahid Cosain Magayan, 39, isang government employee, driver ng Toyota pick-up at ang mga sakay nitong sina Anisa Macadato Magayan, 39, may asawa at isang negosyante; Noriama Gapor Sarip, 32; Rainida Limgas Gapor, 26; Nassiba Mapandi Botawan, at isang menor de edad na pawang residente ng Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Makilala PNP na binabaybay ng dalawang sasakyan ang National Highway ng Purok 11, Barangay Poblacion, Makilala, North Cotabato.

Ngunit pagsapit nito sa pakurbadang kalsada ay nawalan umano ng kontrol ang Navara Calibre Pick-up na minamaneho ni Ruel Serrano, 76, na residente ng Quezon Boulevard, Kidapawan City na naging dahilan para bumangga ito sa kasalubong na Toyota pick-up.

Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Makilala PNP Traffic Unit.