Sugatan ang anim katao sa nangyaring pagsabog sa Maynila ngayong Linggo ng umaga.

Natunton ang pinagmulan ng pagsabog sa Yogurt & Teahouse sa Gastambide Street, Sampaloc, Manila.

Apektado rin sa pagsabog ang katapat nitong Jashley Hydro Refilling Station at ang mga kalapit na gusali.

Nasira ang kanilang mga roll-up na pintuan, habang nabasag naman ang glass windows ng Mary Chiles General Hospital sa tapat ng mga establisiyementong nasira.

Nagtamo rin ng pinsala ang anim na sasakyan na naka-park malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District’s Explosive and Ordnance Division, posibleng nag-leak ang liquefied petroleum gas (LPG) tank sa yogurt place.

Nabatid na naamoy pa rin ng mga otoridad ang LPG nang makarating sila sa lugar.