LAOAG CITY – Nahanap na ng mga otoridad ang anim sa pitong biktima matapos bumagsak ang sinakyang helicopter sa Kauai Island.

Sinabi ni Bombo International Correspondent Manny Pascua na hindi pa ipinapalabas ng mga otoridad ang pangalan ng mga biktima habang patuloy ang paghahanap sa isa pang biktima.

Ang mga narekober na bangkay ng anim ay agad na dinala sa Wilcox Medical Center sa nasabing isla.

Dagdag ni Pascua na hindi pa malaman ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter na pagmamay-ari ng Safari na isang tourist company ngunit bago ang pangyayari ay hindi maganda ang panahon sa naturang lugar.