ILOILO CITY- Nagpositibo sa COVID (Coronavirus Disease) ang pitong health workers sa Rep. Pedro G. Trono Memorial District Hospital sa Guimbal, Iloilo.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Cynthia Cabangal Ng, pinuno ng Hospital Management sa Iloilo, sinabi nito na sa pitong health workers, anim ang medical technologists at isa ang nagtatrabaho sa laboratoryo.

Nagsagawa naman agad ng disinfection sa ospital at nagpapatuloy pa ang contact tracing.

Ayon kay Ng, hindi pa nila matukoy kung paano nahawa ng virus ang nasabing mga health workers.

Hindi naman ipinasara ang ospital dahil sapat pa ang bilang ng kanilang mga health personnel.