DAVAO CITY – Umabot sa 6,000 katao ang nakalabag sa Anti-Smoking Ordinance sa lungsod at 311 naman ang nakalabag sa Liqour ban ordinance ngayong taon.

Batay sa tala ng Vises Regulations Unit (VRU) ng lungsod ang nasabing bilang ang mga taong nakatanggap ng citation ticket dahil sa mga nagawang paglabag.

Umabot naman sa 47 mga establisamento ang nakalabag sa Anti-Smoking Ordinance at Ligour Ban kaya kinansela ang kanilang business permit.

Ayon sa enforcer na si Ramon Fernandez karamihan sa mga violators ang mga first-timers at mga dayuhan, ngunit nang abesohan na maaring ma-deport sila sa pagbalewala sa mga ipinapatupad na ordenansa sa lungsod saka pa tumino.